^

PSN Palaro

Gilas bubuo ng chemistry sa Europe

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas bubuo ng chemistry sa Europe
Si Gilas coach Tim Cone at ang mga players sa tuneup game laban sa Taiwan Mustangs noong Lunes.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Wala pa sa perpektong kundisyon ang Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na lalarga sa susunod na buwan sa Riga, Latvia.

Aminado si Cone na marami pang dapat plantsahin bago makuha ang maganda at solidong porma para sa Olympic qualifiers.

Kaya naman umaasa ito na makatutulong ng ma­laki sa kanila ang dalawang tuneup games na pagdaraanan nito sa Europe.

“No. Not at all. I don’t expect to be ready at this point. We’re not ready—that’s why we’re still practicing and playing friendlies so we could get ready. If we play tomorrow, we’ll be in deep, deep problems,” ani Cone.

Galing ang Gilas Pilipinas sa 74-64 panalo laban sa Taiwan Mustangs noong Lunes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matapos nito, agad na tumulak pa Europa ang Gilas Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pagha­handa nito para sa Olympic qualifiers.

Sasalang ang Gilas Pilipinas sa dalawang tuneup games kontra sa Turkey at Poland sa Europa na magsisilbing final buildup ng Pinoy cagers.

Malaki ang maitutulong ng tuneup games upang mas lalo pang mahasa ang Gilas squad.

Sa katunayan, kasalukuyang nasa ika-15 ang Poland sa world rankings habang No. 24 naman ang Turkey.

Kaya naman inaasahang magiging pukpukan ang dalawang tuneup games para sa Gilas.

“Poland’s No. 15 in the world so they’re gonna give us a good feel, and Turkey’s No. 24 but they’re much better if their NBA guys show up,” ani Cone.

Matapos ang tuneup games, sasalang na agad ang Gilas Pilipinas sa group stage kung saan makakalaban nito ang world ranked No. 6 host Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with