^

PSN Palaro

Fajardo tanggap ang pagkatalo sa Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Fajardo tanggap ang pagkatalo sa Meralco
Ayon sa 6-foot-10 na si Fajardo, ito na ang pagkaka­taon ng Bolts para makamit ang kauna-unahang korona matapos ang 14 taon at apat na beses na kabiguan sa Ginebra Gin Kings sa Governors’ Cup Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Katulad ng isang kampeon, maluwag na tinanggap ni seven-time PBA MVP June Mar Fajardo ang kabiguan ng San Miguel sa nagkampeong Meralco sa nakaraang Season 48 PBA Philippine Cup Finals.

Ayon sa 6-foot-10 na si Fajardo, ito na ang pagkaka­taon ng Bolts para makamit ang kauna-unahang korona matapos ang 14 taon at apat na beses na kabiguan sa Ginebra Gin Kings sa Governors’ Cup Finals.

“Ganoon talaga ang sports. Kailangan nating tanggapin iyong pagkatalo natin,” wika ng star center ng Beermen. “Maybe, time naman ng Meralco na mag-champion ngayon, ‘di ba?”

Tinapos ng Meralco sa 4-2 ang kanilang best-of-seven championship series ng San Miguel tampok ang 80-78 pagtakas sa Game Six.

Si Fajardo ang nagsalpak ng three-point shot sa huling 3.3 segundo para itabla ang Beermen sa 78-78 matapos mabaon sa isang 17-point deficit sa second period.

Ngunit ang ipinasok na jumper ni Finals MVP Chris Newsome sa huling 1.3 segundo ang tuluyan nang nagbigay sa Bolts ng inaasam na PBA trophy.

Bigo ang SMB na makopo ang kanilang PBA record na ika-30 korona sa kanilang pang-44 finals appearance.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with