^

PSN Palaro

Pinoy spikers hinataw ang Indonesia sa AVC Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo si Marck Espejo ng game-high 20 points mula sa 17 attacks, dalawang aces at isang block para sa 25-23, 23-25, 25-14, 25-22 pagdaig ng Alas Pilipinas sa Indonesia sa classification phase ng 2023 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Men kamakalawa ng gabi sa Isa Town, Bahrain.

Nagdagdag sina Jade Disquitado at Kim Ma­labunga ng tig-12 markers para sa mga Pinoy spikers na hangad mapaganda ang 10th place finish noong 2023 Challenge Cup.

Haharapin ng tropa para sa ninth place ang sinuman sa Thailand (Pool B) at Chinese Taipei (Pool D).

Ang depensa ang na­ging susi ng tropa ni Bra­zilian coach Sergio Veloso laban sa mga Indonesians sa 2023 SEA V.League winner at reigning three-peat SEA Games gold medalists.

Nagtala si Malabunga ng anim sa kabuuang 15 blocks ng Alas Pilipinas habang may tatlo si Disquitado at dalawa si Owa Retamar.

Ito ang unang panalo ng mga Pinoy spikers sa torneo matapos ang 0-2 record sa Pool A mula sa 19-25, 22-25, 22-25 talo sa China at 18-25, 23-25, 20-25 kabiguan sa Bahrain sa group play.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with