^

PSN Palaro

Gin Kings angat sa Game 5

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings angat sa Game 5
Ang krusyal na jumper ni Christian Stand- hardinger ng Ginebra kontra kay Raymond Almazan ng Meralco sa Game 5.
PBA Image

MANILA, Philippines — Iniskor ni Christian Standhardinger ang 19 sa kanyang 34 points sa second half para igiya ang Barangay Ginebra sa 89-84 paglusot sa Meralco sa Game Five sa Season 48 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagtala rin ang 6-foot-8 Fil-German forward ng 10 rebounds at 5 assists para sa 3-2 lead ng Gin Kings sa kanilang best-of-seven semis showdown ng Bolts.

Kung mananalo ang Ginebra sa Meralco sa Game Six sa Miyerkules ay maitatakda ang kanilang title duel ng sister team na San Miguel na winalis ang Rain or Shine, 4-0, sa kanilang semis war.

“If we had to go to Game Seven, then we will do the best we can to make it as smooth as we can in terms of getting there and getting prepared and doing what needs to be done,” ani coach Tim Cone.

Nag-ambag si Mave­rick Ahanmisi ng 13 mar­kers at may 10 points si Japeth Aguilar para sa Gin Kings na bumangon mula sa 14-point deficit, 43-57, sa 7:36 minuto ng third period.

Tuluyan nang humulagpos sa Bolts ang panalo nang maiwanan sa 84-89 sa huling 1:26 minuto ng fourth quarter galing sa jumper ni Standhardinger.

Binanderahan ni Chris Banchero ang Meralco sa kanyang 18 points kasama ang apat na triples habang may 17, 14 at 13 markers sina Chris Newsome, Cliff Hodge at Allein Maliksi, ayon sa pagkakasunod.

Hindi nakaporma si Bolts center Raymond Al­mazan kay Standhardinger at tumapos na may apat na puntos at apat na rebounds.

CHRISTIAN STANDHARDINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with