^

PSN Palaro

Nuggets, Knicks lumapit sa Conference Finals

Pilipino Star Ngayon

DENVER — Humakot si Nikola Jokic ng 40 points, 13 assists at 7 rebounds sa 112-97 panalo ng nagdedepensang Nuggets sa Minnesota Timberwolves sa Game Five at angkinin ang 3-2 lead sa Western Confe­rence semifinals se­ries.

Bago ang laro ay ti­nanggap ni Jokic ang kanyang ikatlong NBA MVP trophy.

Kumolekta si Aaron Gordon ng 18 points at 10 boards at may 16 mar­kers si Jamal Murray para sa Denver na lumapit sa Western Conference finals.

Pinamunuan ni Karl Anthony-Towns ang Minnesota sa kanyang 23 points kasunod ang tig-18 markers nina Anthony Edwards at Rudy Gobert.

Umiskor si Jokic ng 19 points sa first half para ibigay sa Nuggets ang 50-44 halftime lead patungo sa pagtatala ng 14-point lead sa Timberwolves sa third quarter.

Ang dunk ni Jokic sa 7:12 minuto sa fourth period ang nag-angat sa Denver sa 98-80 bago nakalapit ang Minnesota sa 92-103.

Sa New York, nagpasabog si Jalen Brunson ng 44 points para akayin ang Knicks sa 121-91 pagresbak sa Indiana Pacers sa Game Five at kunin ang 3-2 lead sa Eastern Confe­rence semifinals series.

Nagtala si Josh Hart ng 18 points at 11 rebounds habang may 17 markers si Deuce McBride para sa paglapit ng New York sa unang Eastern Conference finals sapul noong 2000.

NIKOLA JOKIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with