3 spikers gustong maging Filipino citizen
MANILA, Philippines — Handa sina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips ng Petro Gazz at Fil-Canadian Savi Davison ng PLDT na maging bahagi ng women’s national team.
Gumugulong na ang pagsasaayos ng pagpapalit ng volleyball federations nina Van Sickle, Phillips at Davison para maisama sa lineup ng national team.
Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa International Volleyball Federation (FIVB) para mapabilis ang proseso.
Bago maging miyembro ng national team ay kailangan nina Van Sickle, Phillips at Davison na ipaalam sa kani-kanilang orihinal na volleyball federations ang planong magpalit ng federation.
Ipaaalam ng PNVF sa FIVB ang plano ng tatlo.
- Latest