^

PSN Palaro

Gilas training camp lalarga sa Hunyo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas training camp lalarga sa Hunyo
Gilas Pilipinas held a training at the Inspire Sports Academy Philippines.
Samahang Basketbol ng Pilipinas

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang training camp nito sa Hunyo upang pag­handaan ang dalawang malalaking torneong lalahukan nito.

Unang pagtutuunan ng pansin ng Gilas Pilipinas ang partisipasyon nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Riga, Latvia.

Pakay ng Pinoy cagers na makahirit ng tiket sa 2024 Paris Olympics na idaraos naman sa huling bahagi ng Hulyo sa France.

Ngunit hindi magiging madali ang pagdaraanan ng Gilas bago makapasok sa Paris Games.

Mapapalaban ito sa ma­titikas na tropa na nais ding makapasok sa Olympics.

Kagrupo ng Gilas ang host Latvia at Georgia na parehong powerhouse teams.

Maliban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, pinaghahandaan din ng Gilas ang FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin naman sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Nobyembre.

Makakasagupa ng Gilas sa FIBA Asia Cup Qua­lifiers ang New Zealand at Hong Kong.

Ang training camp para sa FIBA Asia Cup ay gaganapin anim na araw bago ang laban ng Gilas kontra sa New Zealand sa Nob­yembre 21.

Hindi na magiging mahirap para kay Gilas head coach Tim Cone ang chemistry dahil parehong lineup ang gagamitin nito.

Kasama ito sa progra­ma ni Cone na nauna nang inilatag sa Samahang Basketbol ng Pilipinas upang hindi na maging mahirap ang adjustments sa oras na bumabalik sa ensayo ang mga nasa Gilas pool.

Idaraos ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with