^

PSN Palaro

Akari giba sa Chery Tiggo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Akari giba sa Chery Tiggo
Ang reaksyon ni Eya Laure ng Chery Tiggo matapos umiskor laban sa Akari.
PVL photo

MANILA, Philippines — Humarurot ang Chery Tiggo sa ikaanim na dikit na ratsada mula sa 25-17, 25-20, 25-17 demolisyon sa talsik nang Akari sa 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Umiskor si Eya Laure ng 14 points mula sa siyam na attacks, tatlong blocks at dalawang service ace para sa 8-2 kartada ng Crossovers katabla ang Choco Mucho Flying Titans, nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels sa liderato.

Dahil dito ay lalo pang uminit ang unahan para sa tiket sa Final Four.

“Malaking bagay iyong panalo namin ngayon kasi nga target namin bound to semis,” sabi ni coach Kungfu Reyes. “By Monday naka-ready na ulit kami preparation naman para kay Galeries. It’s a must win para at least malaki iyong chance namin na nandoon kami sa Final Four.”

Nag-ambag si Ara Galang ng siyam na puntos at may tig-pitong marka sina kapitana Aby Maraño, Mylene Paat, EJ Laure at Cza Carandang.

Binanderahan ni Ezra Madrigal ang Chargers, bigong makuha ang ikatlong dikit na panalo at nalaglag sa 4-6, sa kanyang 10 markers mula sa pitong attacks at tatlong blocks.

Sa unang laro, dinomina ng Gazz Angels ang sibak nang Galeries Tower, 25-7, 25-21, 25-17, tampok ang 17 points ni Fil-Am Brooke Van Sickle galing sa 13 attacks, tatlong aces at isang block.

Nagdagdag si Jonah Sabete ng 11 markers at may walo, pito, anim at limang puntos sina Remy Palma, Marian Buitre, Myla Pablo at Aiza Pontillas, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with