^

PSN Palaro

Lady Blazers diretso sa Finals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Blazers diretso sa Finals
Gayle Pascual
STAR/ Fle

MANILA, Philippines —  Winalis ng defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers ang elimination rounds matapos pagulungin ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates, 21-25, 25-21, 20-25, 25-21, 15-7 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Centre kahapon.

Humarabas sa opensa si Gayle Pascual matapos magtala ng 21 points mula sa 17 spikes at apat na blocks upang ilista ang malinis na siyam na panalo at selyuhan ang outright finals berth.

Dumaan sa butas ng karayom ang Taft-based squad bago nasungkit ang panalo sa Lady Pirates, ito’y dahil nasagad sa limang sets ang banatan.

Nag-ambag din si Michelle Gamit ng 14 points habang 11 ang kinana ni Zamantha Nolasco para sa Lady Bla­zers na mag-aabang ng makakalaban.

Sa unang laro, buhay pa ang asam ng University of Perpetual Help System DALTA na makasampa sa susunod na phase matapos nilang sikwatin ang 25-16 25-19, 20-25, 25-16 panalo kontra Emilio Aguinaldo College.

Tinapos ng Lady Altas ang kanilang elimination round campaign na hawak ang 5-4 card  at may pag-asa pa sa playoff habang lugmok sa ilalim ng team standings ang Lady Gene­rals na wala pang panalo sa siyam na laro.

vuukle comment

LADY PIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with