^

PSN Palaro

Lady Bulldogs reresbak vs Tams

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan ang maba­ngis na National University sa oras na muli nitong makaharap ang Far Eastern University sa rubber match ng UAAP Season 86 women’s volleyball Final Four.

Umani ang Lady Bulldogs ng masaklap na 23-25, 17-25, 23-25 panalo sa Lady Tamaraws sa unang paghaharap nito sa Final Four noong Sabado sa Smarta Araneta Coliseum.

Aminado si Lady Bulldogs outside hitter Bella Belen na na-pressure ang kanilang tropa sa laban nito kontra sa Lady Tamaraws

Masuwerte ang NU dahil armado ito ng twice-to-beat card at manatiling buhay pa ang tsansa nito para makapasok sa finals.

“Parati ko lang nire­remind yung teammates ko na hindi kami dapat ma-pressure dahil pag natalo namin ang FEU, eliminated na sila. Dapat sila ang mas ma-pressure kesa sa amin,” ani Belen.

Pero hindi ito ang nangyari. Dahil dito, balik sa dra­wing board ang NU.

Binabalangkas na ng Lady Bulldogs ang ma­lakas na pagresbak upang makabalik sa finals.

Nagtala ang NU ng 25 errors sa buong panahon ng laro — katumbas na ito ng isang buong set.

Nalimitahan din si Be­len sa 12 puntos habang nagkasya lamang sa tig-walong puntos sina Alyssa Solomon at Vangie Alinsug.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with