^

PSN Palaro

Green kinapitan ng Rockets sa pagpulutan sa Bulls

Pilipino Star Ngayon
Green kinapitan ng Rockets sa pagpulutan sa Bulls
Sinugod ni Fil-Am Jalen Green ng Rockets ang depensa ni DeMar DeRozan ng Bulls.
STAR/ File

HOUSTON - Bumira si Fil-American guard Jalen Green ng 26 points para pangunahan ang Rockets sa 127-117 pagpapasabog sa Chicago Bulls.

Nag-ambag si forward Dillon Brooks ng 23 markers bago na­patalsik sa laro para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Houston (34-35).

Nasa itaas nila ang Golden State Warriors (36-32) para sa final play-in spot sa Western Conference.

Umiskor lamang si DeMar DeRozan ng 16 points sa panig ng Chicago (34-36) matapos masibak sa third period kasabay ni Brooks.

Kumamada si Ayo Dosunmu ng 35 points, habang humakot si Nikola Vu?evi? ng 16 points at 14 boards para sa kanyang 40th double-double sa season.

Mula sa 84-75 abante sa 6:02 minuto sa third quarter ay hindi bumitaw sa unahan ang Rockets hanggang sa pagtatayo ng 105-94 kalamangan sa Bulls papasok sa fourth period.

Sa Dallas, humakot si Luka Doncic ng 34 points, 9 rebounds at 8 assists para banderahan ang Mavericks (41-29) sa 113-97 paggupo sa Utah Jazz (29-41).

Sa Denver, umiskor si Michael Porter, Jr. ng 31 points at itinala ni Nikola Jokic ang kanyang ika-22 triple-double sa season sa 113-100 panalo ng nagdedepensang Nuggets (49-21) sa New York Knicks (41-28).

Sa Milwaukee, nagtala si Damian Lillard ng 30 points at 12 assists sa 115-108 pagsuwag ng Bucks (45-25) sa Brooklyn Nets (26-44).

Sa Phoenix, bumato si Devin Booker ng 30 points at may 21 markers ni Eric Gordon sa 128-115 pagsunog ng Suns (41-29) sa Atlanta Hawks (30-39).

Sa Orlando, humakot si Paolo Banchero ng 20 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang career triple-double sa 121-106 pagdaig ng Magic (42-28) sa New Orleans Pelicans (42-27).

vuukle comment

FIL-AMERICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with