^

PSN Palaro

La Salle, NU tabla sa No. 2 spot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalasa ng defen­ding champion De La Salle University sa tatlong sets ang University of the Philippines, 25-15, 25-17, 25-18 upang manatiling nakakapit sa second place ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena, kagabi.

Sinandalan ng Lady Spikers sa opensa si Angel Canino matapos magtala ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace.

Magaan na nakuha ng Taft-based squad ang panalo para ilista ang 5-1 record at saluhan sa No. 2 ang last year’s runner-up National University Lady Bulldogs na nanaig laban sa University of the East Lady Warriors, 25-13, 25-19, 25-16, sa unang laro.

“I think yung skills namin nandiyan na po. Yung kulang na lang po talaga ay yung connection saka yung communication namin inside kasi everything was given to us already,” wika ni Canino.

Nakakuha ng suporta si Canino kina Shevana Maria Nicola Laput at  Thea Allison  Gagate na kumana ng tig-siyam na puntos.

Bagama’t nanalo sa tatlong sets ay hindi pa rin perfect ang kanilang laro ayon kay DLSU deputy coach Noel Orcullo.

“Although straight sets, nakukulangan pa rin kami sa galaw nila, kailangan pang i-polish going to NU’s game next week,” ani Orcullo.

Nabaon naman sa i­lalim ng team standings ang Lady Maroons, wala pa silang panalo sa limang laro.

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with