Escueta binigyan ng credit ang mga dating coaches
MANILA, Philippines — Binigyan ni San Beda University mentor Yuri Escueta ng importansya ang mga itinuro sa kanya nina champion coaches Boyet Fernandez at Norman Black sa paghahari sa Season 99 men’s basketball tournament.
Sinunod ni Escueta ang iniwang programa ni Fernandez sa Red Lions habang malaki ang impluwensya sa kanya ni Black.
“Para nga akong babysitter. So I said, coach Boyet, para sa inyo ito. Team n’yo ito, championship n’yo ito,” ani Escueta na pinahalagahan din ang suporta ni basketball godfather Manny V. Pangilinan.
Tinalo ng San Beda ang Mapua University, 2-1, sa kanilang best-of-three championship series para angkinin ang kanilang ika-23 NCAA crown.
Si Fernandez ang gumiya sa Red Lions sa apat na NCAA titles tampok ang ‘three-peat’ noong 2016 hanggang 2018 bago siya pinalitan ni Escueta noong nakaraang taon.
Naglaro naman si Escueta para kay Black sa Ateneo de Manila University tampok ang ‘five-peat’ noong 2008 hanggang 2012 sa UAAP.
“When I came to San Beda, I learned from him what San Beda basketball is all about, the excellence and the winning tradition, early in my basketball career,” ani Escueta sa one-time PBA Grand Slam champion coach.
- Latest