RHJ iginiya ang TNT sa ika-2 sunod na panalo
MANILA, Philippines — Itinulak ng TNT Tropang Giga sa balag ng alanganin ang Blackwater matapos kunin ang 105-96 panalo sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagposte si import Rondae Hollis-Jefferson ng 42 points, 11 rebounds, 8 assists, 2 blocks at 1 assist sa isang all-around performance para sa 4-3 record ng Tropang Giga.
“The guys were working hard. They were talking. We made some stops. And before you know it, the lead was in double digits,” sabi ni coach Jojo Lastimosa.
Kumolekta si Jayson Castro ng 18 markers, 3 boards at 5 assists para sa kanilang ikalawang sunod na ratsada..
Nag-ambag si Calvin Oftana ng 14 points kasunod ang tig-10 markers nina Kib Montalbo at Glenn Khobuntin.
Binanderahan ni import Chris Ortiz ang Bossing, may 1-7 kartada, sa kanyang 25 points at 20 rebounds.
Humataw ang TNT ng 33 points sa third period para iwanan ang Blackwater sa fourth quarter.
- Latest