^

PSN Palaro

Butler, Heat sinilaban ang Brooklyn Nets

Pilipino Star Ngayon
Butler, Heat sinilaban ang Brooklyn Nets
Nailusot ni Jimmy Butler ng Miami Heat ang kanyang two-handed slam dunk mula sa pagblangka ni Nic Claxton ng Brooklyn Nets.
STAR/ File

MIAMI , Philippines — Humugot si star guard Jimmy Butler ng 18 sa kanyang 36 points sa third quarter sa 122-115 pagsunog ng Heat sa Brooklyn Nets.

Nag-ambag si Duncan Robinson ng 26 markers para sa seven-game winning streak ng Miami (8-4).

Tumipa si Bam Adeba­yo ng 20 points para sa tropa ni Fil-Am coach Erik Spoelstra.

“We’re getting a little more organized, more com­fortable,” sabi ni Spoelstra. “And that allows you to be more confident.”

Umiskor sina Mikal Brid­ges at Lonnie Walker IV ng tig-23 points sa panig ng Bro­oklyn (6-6) na nakakuha kina Nic Claxton at Cam Johnson ng tig-16 markers.

Kinuha ng Heat ang 60-52 halftime lead at hindi na isinuko ang bentahe sa Nets sa kabuuan ng se­cond half.

Sa San Francisco, nag­lista si Isaiah Joe ng sea­son-high 23 points tampok ang perpektong 7-og-7 sho­oting sa three-point line sa 128-109 paggupo ng Ok­lahoma City Tyunder (8-4) sa Golden State Warriors (6-7).

May 24 markers si Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder na inihulog ang Warriors sa pang-limang su­nod na kamalaan.

“You can’t expect to shoot the ball like that every night,” wika ni coach Mark Daigneault. “That obviously comes and goes. That’s why we emphasize all the things we can control.”

Nagdagdag si Josh Giddey ng 19 points at ku­molekta si rookie Chet Holmgren ng 13 points at 10 rebounds para sa pang-limang panalo ng Ok­lahoma City sa huling anim na laro.

Naglaro ang Golden State na wala sina Stephen Curry (right knee soreness) at Draymond Green (five-game suspension).

Kinatigan si Warriors’ coach Steve Kerr ang ipina­taw na suspensyon ng liga kay Green na nag-headlock kay center Rury Gobert ng Minnesota Tomberwolves sa nauna nilang rambulan kamakalawa.

JIMMY BUTLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with