Pinoy boxer na si Nonito Donaire naibalik Filipino citizenship
MANILA, Philippines — Nabawi ng tanyag na boksingerong si Nonito Donaire sa kanyang pagka-Pilipino matapos makakuha ng "dual citizenship," pagkukumpirma ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes.
Ayon sa DFA kahapon, nangyari ito matapos ibigay ang kanyang "oath of allegiance" sa Philippine Consulate General sa San Francisco, USA nitong ika-14 ng Agosto.
"I am very proud and whole now that I have my Philippine citizenship. Being Bohol-Born, for years I have tried to get my citizenship but I was always missing a paper," ani Donaire, na kilala sa paghawak ng world championships sa apat na weight classes.
"With my mom's help, I was able to complete my package of requirements for me to get my Philippine citizenship here at the Philippine Consulate in San Francisco."
Ani Donaire, ginagawa niya ito hindi lang para parangalan ang pinanggalingan ngunit para makapirmi ng Pilipinas nang mas matagal at makatulong sa makabuluhang pagbabago sa bansa.
Gagawin niya raw ito sa pamamagitan ng "economical sociological and environmental projects."
Sinamahan si Nonito ng kanyang misis na si Rachel at dalawa nilang anak na lalaki, na pawang nakakuha rin ng dual citizenship sa pagka-Pilipino.
Bakit nawala citizenship niya?
Bagama't ipinanganak sa Bohol, dekada '90 nang samahan ni Nonito ang kanyang ama sa Estados Unidos, bagay na nag-ensayo sa kanya para maging boksingero.
Sinasabing ipinanganak ang lolo ni Nonito sa Hawaii dahilan para magkaroon siya ng US citizenship.
Maaaring mag-apply ng dual-citizenship ang isang dating naturak-born Filipino na naging naturalized American citizen sa ilalim ng Republic Act 9225.
“On behalf of Consul General Neil Ferrer, I congratulate Mr. Nonito Donaire for reacquiring his Philippine citizenship," wika ni Deputy Consul General Raquel Solano.
"The Filipino nation is very proud of his achievements in boxing and are happy to welcome him back as a Filipino citizen. We wish him well in his future endeavors, especially in his and his wife’s social initiatives to help our kababayans in the Philippines."
- Latest