^

PSN Palaro

Lady Warriors tumapos sa 7th place sa SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumanding sa seventh place finish ang University of the East matapos nilang kalusin ang University of the Philippines, 25-20, 25-22, 26-24 sa classification game ng 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Nagtulungan sina Ca­siey Dongallo at Jelai Gajero sa bandang dulo ng bakbakan sa extended third set upang pigilan ng Lady Warriors ang four-game losing skid at taas noo silang e-eksit sa nasabing liga ngayong season.

Umiskor sina Dongallo at Gajero kasama si seasoned hitter KC Cepada ng pinagsamang 20 points sa third frame para tapusin ng UE ang UP sa  tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea, Grab Philippines, at Summit Water.

Pinamunuan ni Gajero ang puntusan para sa Lady Warriors sa tinikadang 17 points kasama ang 11 attacks, limang blocks at isang service ace, nagtala naman si Dongallo ng 16 markers  mula sa 15 spikes habang may 14 ang kinana ni Cepada.

Napalaban ng todo ang UE sa third set matapos kanain ang unang dalawang sets.

“Masaya na ‘di namin natuloy dito ang third set curse namin. Masarap sa feeling kasi may na-beat kami na UAAP team,” ani  Cepada.

Pang walo ang UP sa nasabing torneo.

UNIVERSITY OF THE EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with