^

PSN Palaro

Ginebra sasamahan ang TNT sa EASL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra sasamahan ang TNT sa EASL

MANILA, Philippines — Muling sasalang ang TNT Tropang Giga sa East Asia Super League (EASL) kasama ang Barangay Ginebra sa Oktubre 11.

Magagawa na ng EASL ang kanilang home-and-away tournament matapos magdaos ng isang eight-team preseason competition tampok ang paglalaro ng TNT, San Miguel at mga koponan mula sa Korea, Taiwan at Greater China.

Walang naipanalo ang Tropang Giga at Beermen sa kanilang mga laro sa nasabing torneo na pinagha­rian ng Anyang KGC laban sa Seoul SK Knights.

Bumida sa tagumpay ng Anyang si dating Gilas Pilipinas player at Letran Knights star Rhenz Abando.

Makakasama ng TNT at Ginebra sa EASL tournament ang Anyang KGC, Seoul SK Knights ng Korea at ang Taiwan-based na Bay Area Dragons na na­ging guest team sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup.

Ang huling tatlong pu­­westo ay ibibigay sa da­lawang Japanese B-League finalists at sa Taipei P.League+ champion.

Idaraos ang EASL ga­mes tuwing Miyerkules kung saan sasalang ang bawat koponan sa tatlong home games at tatlong away games sa preliminaries.

Posibleng ibalik ng Tropang Giga si Best Import Rondae Hollis-Jefferson na bumandera sa kanilang paggupo sa Gin Kings at kay Justin Brownlee sa nakaraang PBA Governors’ Cup Finals.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

SPORTS

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with