^

PSN Palaro

Gazz Angels magpapainit para sa Final 4

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels magpapainit para sa Final 4
Sasagupain ng Gazz An­gels ang Chameleons nga­yong alas-4 ng hapon ka­sunod ang salpukan ng Akari Chargers at Strong Group Athletics sa alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
PVL image

MANILA, Philippines — Inaasahang gagamitin ng se­mifinalist Petro Gazz ang kanilang laro ng Nx­led bilang preparasyon sa 2024 PVL All-Filipino Con­ference Final Four.

Sasagupain ng Gazz An­gels ang Chameleons nga­yong alas-4 ng hapon ka­sunod ang salpukan ng Akari Chargers at Strong Group Athletics sa alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtatapat ang Cignal HD Spikers at Ca­pital1 Solar Spikers.

May 8-2 record ang Petro Gazz sa ilalim ng Cho­co Mucho (9-2) at Che­ry Tiggo (9-2) kasunod ang nagdedepensang Creamline (8-3).

Ang resulta ng laban ng Gazz Angels at Chame­leons (4-6) ang bubuo sa pu­westuhan sa single-round robin Final Four.

Sumasakay ang Petro Gazz sa four-game winning streak, kasama ang 25-7, 25-21, 25-17 pagwalis sa Galeries Tower (3-8) no­ong nakaraang Sabado.

“Iyong mga lapses namin kailangan pang i-adjust kasi papahirap na rin iyong next games and hindi pa rin kami puwedeng basta-basta mag-relax,” ani team captain Remy Palma.

Nagmula rin sa panalo ang Nxled sa 25-13, 25-23, 25-22 paggupo sa Capital1 (1-9).

Target naman ng HD Spi­kers (6-4) na ma­sun­­dan ang 24-26, 26-24, 25-17, 28-26 pagdaig sa PLDT High Speed Hitters (8-3) kontra sa Solar Spikers.

Ang panalo ng Cignal ang nagpaguho sa tsansa ng PLDT na makapasok sa Final Four.

PETRO GAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with