^

PSN Palaro

Team Philippines uuwi bitbit ang 58 golds

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tagumpay ang Team Philippines sa 32nd Southeast Asian Games matapos humakot ng 58 gintong medalya sa Phnom Penh, Cambodia.

Pinakamaningning ang arnis at taekwondo na parehong humakot ng anim na gintong medalya para tanghaling most bemedalled team sa biennial meet.

Nakalikom ang arnis ng anim na ginto, dalawang pilak at apat na tansong medalya habang ang taek­wondo naman ay may anim na ginto, isang pilak at walong tanso.

Galing ang ginto sa arnis kina Charlotte Tolentino (women’s full contact passed stick bantamweight), Jedah Soriano (women’s full contact passed stick lightweight), Ella Alcoseba (women’s full contact live stick bantamweight), Dexter Bolambo (men’s full contact live stick bantamweight), Trixie Lofranco (women’s individual anyo non-traditional open weapon) at Crisamuel Delfin  (men’s individual anyo non-traditional open weapon).

Wagi naman ng ginto sa taekwondo sina poomsae champion Patrick Perez (men’s individual), Jocel Lyn Ninobla, Nicole Labayne and Aidine Laxa (women’s team) at sina Kurt Barbosa (men’s finweight), Arven Alcantara (men’s featherweight), Samuel Morrison (men’s middleweight) at Elaine Alora (women’s middleweight).

Nag-ambag naman ng tig-apat na ginto ang gymnastics, athletics, boxing, obstacle race at wrestling habang may tig-tatlo ang soft tennis, kickboxing, ju jitsu at endurance race.

Dalawa mula sa karate, esports, kun bokator, swimming at weightlifting habang may tig-iisa naman ang wushu, tennis, judo, at basketball.

Bukod-tanging si gymnastics world champion Carlos Edriel Yulo ang double gold medalist nang kumana ito ng dalawang ginto mula sa men’s all-around at parallel bars habang may dalawang pilak din ito sa team event at still rings.

Lalo pang nagning­ning ang kampanya ng Pilipinas nang matagumpay na mabawi ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa men’s basketball.

Una munang hinubaran ng korona ng Gilas ang Indonesia sa semifinals bago patumbahin ang Cambodia sa gold-medal match.

Sa kabuuan, mata­gum­pay ang kampanya ng Team Philippines na nalampasan ang 52 gintong medalyang nasikwat nito noong 2021 edisyon ng SEA  Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon.

vuukle comment

SEAGAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with