^

PSN Palaro

MPBL, GAB nagbabala sa masasangkot sa game-fixing at larong labas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) at ang Games and Amusements Board (GAB) na sisibakin sa liga at babawiin ang lisensya ng sinumang pla­yers na masasangkot sa game-fixing at paglalaro sa ligang labas.

Ito ang sinabi nina MP­BL Commissioner Kenneth Duremdes at GAB chairman Atty Richard Clarin sa idinaos na welcome dinner para sa 29 member teams na naglalaro sa OKBet-MPBL Fifth Season.

Hindi nakadalo si MPBL CEO at Founder Manny Pacquiao dahil sa jet lag matapos ang kanyang pag-uwi mula sa United States.

Matatandaang nasangkot ang ilang PBA players sa game-fixing at pagla­laro sa ligang labas kung saan walang pahintulot ang kanilang mga mother teams.

Ito ang ayaw mangyari ng MBPL sa kanilang liga katuwang ang GAB.

Bukod sa pagiging istrikto sa kanilang patakaran ay magsasagawa rin ang MPBL at GAB ng random drug testing sa mga players.

Samantala, sinabi ni MPBL Operations head Emmer Oreta na magkakaroon ng break ang liga mula sa Mayo 25 hanggang Setyembre 10 para magbigay-daan sa pagdaraos ng bansa sa 2023 FIBA World Cup.

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with