^

PSN Palaro

Ubas pumitas ng tanso sa Asian Indoor

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysa­yan si Janry Ubas matapos masungkit ang tansong medalya sa 2023 Asian Indoor Athletics Championships na ginanap sa Astana, Kazakhstan.

Nakalikom si Ubas ng 5,246 puntos upang masiguro ang ikatlong puwesto sa men’s heptathlon na dinomina nina Japanese bets Yuma Maruyama (5801) at Keisuke Okuda (5497) na umani ng ginto at pilak ayon sa pagkakasunod.

Naitala ni Ubas ang bagong Philippine record sa naturang event kung saan nalampasan nito ang dating national record na 4,565 points na nairehistro ni Jesson Ramil Cid noong 2014 edisyon ng Asian Indoor sa Hangzhou, China.

“Pinaka-aim talaga namin is mag-gold sana. First time ko sumali sa heptathlon sa indoor kaya nangangapa pa po kaya ayun ang naging performance,” ani Ubas sa panayam ng Radyo Pilipinas 2.

Malaki sana ang tsansa ni Ubas na makahirit ng ginto ngunit ibang pole ang ginamit nito sa pole vault event na hindi nito gamay.

“Sa second day, hindi ko po talaga events yung mga nilaro maliban sa pole vault. Yung pole vault ang strength ko. Kaso kinapos, wala po akong pole, nanghiram lang po ako. Nanibago ako sa ginamit ko,” ani Ubas.

Nagtala ito ng 4.70m sa pole vault event malayo sa 4.90 hanggang 5.0m na nakukuha nito sa ensayo gamit ang kanyang sari­ling pole.

Nagrehistro naman si Leonardo Gorospe ng bagong Philippine indoor record na 2.15m sa men’s high jump event.

Subalit hindi ito sapat para makapasok sa podium at magkasya sa ikapitong puwesto.

Nalampasan ni Go­rospe ang dating sariling national record na 2.14m na nakuha nito sa Phi­lippine qualifying noong nakaraang linggo.

ASIAN INDOOR ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with