Jaja, Paat mainit sa international stage
MANILA, Philippines — Pinatunayan nina Jaja Santiago at Mylene Paat na may ibubuga ang mga Pinay kung volleyball din lang ang pag-uusapan.
Gumawa ng ingay sina Santiago at Paat matapos magpasiklab sa international stage.
Noong Marso, itinanghal na Best Scorer si Paat sa Thailand Volleyball League kung saan naglaro ito para sa Nakhon Ratchasima bilang import.
Tinulungan din nito ang Nakhon Ratchasima sa bronze-medal finish sa naturang liga.
Hindi rin nagpakabog si Santiago.
Noong Abril, napasakamay ni Santiago ang Best Blocker award sa Japan V.League.
Nagtala si Santiago ng kabuuang 103 blocks para makatuwang ang Saitama Ageo Medics sa kampanya nito.
Sa local tournament, nakakuha ng dalawang Most Valuable Player (MVP) award si Tots Carlos ng Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League (PVL).
Una na rito ang MVP award sa Open Conference kasunod ang isa pang naturang top award sa Invitational Conference.
Sa naturang dalawang kumperensiya, nagkampeon ang Cool Smashers para maging top volleyball team sa liga.
- Latest