^

PSN Palaro

Ando minalas sa world meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo si Tokyo Olympic campaigner Elreen Ando na makakuha ng medalya sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng left elbow injury nang tangkaing buhatin ang 227 kilograms sa una niyang pagsalang sa clean and jerk sa women’s 59 kgs. division.

Dahil dito ay tumapos ang 24-anyos na tubong Cebu City sa No. 7 mula sa kabuuang 11 kalahok.

Si Yenny Alvarez ng Co­lombia ang kumuha sa gold medal sa kanyang total lift na 234 kgs. mula sa 101 kgs. sa snatch at 133 kgs. sa clean and jerk.

Inangkjin ni Hsing-Chun Kuo ng Chinese-Taipei ang silver sa total lift na 232 kgs (102 kgs. at 232 kgs.) kasu­nod si Canadian Maude Charron na may 231 kgs. (103 kgs. at 128 kgs.) para sa bronze.

Nakatakda pang bumuhat sina reigning Asian at Southeast Asian champion Vanessa Sarno at Kristel Macrohon sa 71 kgs. class sa Martes.

WORLD WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with