Mr. Mainit vs Soberano sa URCC bare-knuckle duel
MANILA, Philippines — Papagitna ang kauna-unahang bare-knuckle exhibition fight sa pagitan nina Kenjhons “Mr. Mainit” at Map Soberano sa Universal Reality Combat Championship (URCC) sa Huwebes.
Magtutuos sina Kenjhons at Soberano sa URCC 80 “Bare Madness” sa Xylo sa Palace sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Kapwa nangako ng madugong duwelo ang 40-anyos na si Kenjhons at ang 39-anyos na si Soberano.
“Filipinos do love combat sports very much and we’re expecting that the first ever bare-knuckle fistfight to be held on Thursday in the Philippines will be a blockbuster,” sabi ni URCC Global Chairman Arnold Vegafria.
Naniniwala naman si URCC founder Alvin Aguilar na angkop para sa mga Pinoy ang bare-knuckle boxing.
“Here is another avenue for our countrymen to excel: Bare-knuckle boxing,” wika ni Aguilar. “We have to prove to everybody that we Filipinos are the real boss when it comes to real fist, and we’ll show it in our first ever bare-knuckle fight in our country.”
Ang action-packed event ay inihahandog ng Angkas at suportado ng ALV, Unique Water, Bench at Winzir.
Para sa detalye sa tickets sale ay maaaring bisitahin ang www.urcc.online.
- Latest