Morales siblings, Daz susunod sa yapak ni Tsukii
MANILA, Philippines — Sina Steven Jhudiel Morales, Solara Uriel Morales at Zemira Zaigen Gawad Daz ang posibleng sumunod sa yapak ni World Games gold medalist Junna Tsukii.
Ang tatlo ay mga miyembro ng International Shotokan Karate Federation-Philippine Shotokan Karate Federation-San Jose Del Monte Bulacan (ISKF-PSKI SJDM Bulacan) na isang active clubs ng Karate Pilipinas.
Nagwagi ang 12-anyos na si Steven Jhudiel ng kata at kumite gold medals sa nakaraang Pilipinas National Championships sa MOA Arena sa Pasay City.
Dinomina rin niya ang kumite at kata events ng ISKF-PSKI Olongapo Karatedo Championships at ang 3rd ABR Cup Karate Championships Intermediate Kata.
Sumipa naman ang 8-anyos na si Solara Uriel ng gold sa kata girls’ class sa 3rd ABR Cup Karate Championships, silver sa team kata at kumite at bronze sa team kumite.
Hindi rin nagpahuli ang 8-anyos na si Daz nang kumuha ng silver sa kata 6-7-year-old division ng ISKF-PSKI Olongapo Invitational Karatedo Championships, team at individual kata silver at individual kumite silver sa 3rd ABR Cup Karate Championships.
Ang kampanya ng ISKF-PSKI SJD ay sinuportahan ng local government unit (LGU) sa pamumuno nina City Mayor Arthur Robes, Dr. Dennis Booth at Luis Gutierrez.
- Latest