^

PSN Palaro

Susan Papa Novice Swim meet sa Diliman

Pilipino Star Ngayon
Susan Papa Novice Swim meet sa Diliman
Philippine Swimming League President Susan Papa.

MANILA, Philippines — Pakakawalan ang Susan Papa Novice Swimming Championship Age Bond Meet sa Setyembre 17 sa Diliman Preparatory School sa Diliman, Quezon City.

Ang event ay bilang pagpapatuloy sa sinimulang adhikain ng namayapang Asian Games swimming multi-medalist sa grassroots level.

Bukas na para sa pagpaparehistro ng lahok ang torneong inorganisa ng Philippine Swimming League (PSL) sa pamumuno ni Alex Papa at sa pakikipagtulungan ng Victoria Kanlahi Eagles Club.

Sinabi ni SLP executive Fred Ancheta na mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang swimmers higit ang mga nagsisimula pa lamang na makaranas at ma-expose sa kompetisyon upang higit silang magpursigeng matuto at magsanay para mapataas ang kanilang level.

Inaasahang dadagsain ng mga batang swimmers mula sa iba’t ibang swimming clubs, organizations at school teams ang swimming event.

Kabilang sa mga nagpahayag ng pagsuporta  sa torneo na suportado ng Yingfa, Splash N’s Dash, Go Swim, Susan Papa Swim Academy at Tarlac City Waves ang Swim League Philippines (SLP) na binubuo ng mahigit sa 100 swimming clubs sa buong Pilipinas gayundin ang Solid Coaches Group.

Sa mga gustong suma­li sa torneo ay maaaring makipag-ugnayan sa PSL sa mobile No. 0927-667-1820 o ipadala ang lahok sa [email protected].

SUSAN PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with