Isa na lang para sa Tropang Giga
MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga para makamit ang back-to-back crown ng PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos patumbahin ng Tropang Giga ang San Miguel Beermen sa Game Five, 102-93, ng kanilang championship series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kumamada si Mikey Williams ng 23 points habang nagtala si Kelly Williams ng 21 markers, 9 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa 3-2 lead ng TNT sa best-of-seven titular showdown nila ng SMB.
Nagdagdag si Poy Erram ng 17 points, 6 boards at 2 assists at may 14 markers si Roger Pogoy para sa Tropang Giga na hindi nakuha ang serbisyo ni Jayson Castro matapos magkaroon ng sprained right ankle sa third period.
“Everyone pitched in to be able to compensate and fill what we lack with the absence of Jayson,” sabi ni coach Chot Reyes.
Kung muling mananalo ang PLDT franchise sa Game Six bukas ay makakamit nila ang pang-pitong All-Filipino crown at ika-siyam sa kabuuan.
“We expected it to be difficult. We expected it to be tough and the next game is not gonna be different,” dagdag ng nine-time PBA champion mentor.
Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 20 points at 16 rebounds sa panig ng Beermen habang may 16, 12 at tig-10 markers sina Jericho Cruz, CJ Perez at Vic Manuel, ayon sa pagkakasunod.
- Latest