Pinoy jins sumipa ng 8 medals sa Korea
MANILA, Philippines — Humakot ang national poomsae team ng limang pilak at tatlong tansong medalya sa 7th Asian Taekwondo Poomsae Championships na ginanap sa Chuncheon, South Korea.
Bumandera sa kampanya ng Pinoy jins sina Rodolfo Reyes Jr. at Darius Venerable na nasungkit ang Male Most Valuable Player awards sa kani-kanyang dibisyon,
Nakuha ni Reyes ang MVP award sa recognized poomsae habang napasakamay ni Venerable ang parehong award sa freestyle poomsae.
Dalawang ginto ang nasipa ni Reyes kung saan nakapilak ito sa recognized poomsae individual male under-30 category at tanso naman sa pair under-30 kasama si SEAG gold medalist Jocel Ninobla.
Hindi rin nagpahuli si Venerable na kumana ng dalawang pilak na medalya sa freestyle individual male over-17 at sa mixed team over-17 finish.
Bukod sa pilak sa mixed team, nagdagdag pa si Oliva ng isang pilak sa freestyle individual female over-17.
Galing naman ang iba pang tanso sa recognized team male under-30 na binubuo nina Joaquin Tuzon, Enrico Mella at Patrick King Perez.
Nakatanso pa sina Macario at Crisostomo sa freestyle poomsae pair over-17.
May tanso rin sina Angelica Gaw, Aidaine Laxa at Laeia Soria sa recognized team female under-30.
- Latest