^

PSN Palaro

Doncic-less Mavericks giniba ng Jazz sa Game 1

Pilipino Star Ngayon
Doncic-less Mavericks giniba ng Jazz sa Game 1
Tinangkang supalpalin ni Spencer Dinwiddie ng Mavericks si Donovan Mitchell ng Jazz.
STAR/ File

DALLAS - Iniskor ni Donovan Mitchell ang 30 sa kanyang 32 points sa second half para banderahan ang Utah Jazz sa 99-93 pagdaig sa Mavericks sa Game One ng kanilang Western Conference first-round playoffs.

Nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 26 markers para sa 1-0 lead ng Utah sa kanilang best-of-seven series ng Dallas.

Isinalpak naman ni forward Royce O’Neale ang krusyal na three-point shot sa huling minuto ng fourth period para sa 95-91 abante ng Jazz matapos makadikit ang Mavericks sa 91-92 mula sa 11-point deficit.

Hindi naglaro si Luka Doncic (strained left calf) para sa Dallas na nakahugot kay Jalen Brunson ng 24 points kasunod ang 22 markers ni Spencer Dinwiddie.

Sa San Francisco, kumamada si Jordan Poole ng 30 points sa kanyang playoff debut sa 123-107 panalo ng Golden State Warriors sa Denver Nuggets sa Game One ng kanilang serye.

Tumipa si Stephen Curry ng 16 points sa kanyang pagbabalik sa lineup ng Warriors matapos magkaroon ng sprained ligament sa kaliwang paa.

Sa Philadelphia, humugot si Tyrese Maxey ng 21 sa kanyang playoff career-high na 38 points sa third quarter sa paggiya sa 76ers sa 131-111 pagpulutan sa Toronto Raptors sa Eastern Conference first-round playoffs.

Nag-ambag si James Harden ng 22 points at 14 assists at nagtala si NBA scoring champion Joel Embiid ng 19 points at 15 rebounds para sa Philadelphia.

Sa Memphis, humataw si Anthony Edwards ng 36 points sa kanyang postseason debut sa 130-117 pagsagpang ng Minnesota Timberwolves sa Grizzlies at agawin ang home-court advantage sa opener ng kanilang first-round Western Conference series.

DONOVAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with