^

PSN Palaro

Martin gumagawa ng ingay sa US NCAA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumakaway ang bandila ng Pilipinas sa US NCAA matapos pumasok sa national finals ang tropa ni Fil-American Remy Martin ng Kansas.

Naitala ng Kansas ang 81-65 demolisyon laban sa Villanova sa Final Four upang umabante ang kanilang koponan sa national finals laban sa Duke.

Nagtala lamang si Martin ng tatlong puntos, limang rebounds at dalawang assists sa loob ng 21 minutong paglalaro para sa panalo ng Jayhawks.

Naglista si David McCormack ng 25 points, habang kumana si Ochai Agbaji ng anim na three-pointers para makalikom ng kabuuang 21 markers.

Sa kabila ng magandang itinatakbo ng collegiate bas­­ketball career nito ay hindi pa rin nawawala sa isip ni Martin ang pangarap na makapaglaro sa Gilas Pi­lipinas.

“That’s my goal and one of my dreams, to be able to go out there and play. And I can’t wait,” wika ni Martin.

Umaasa ang Fi-Am ca­ger na makapagsusuot si­ya ng Gilas Pilipinas jersey sa mga susunod na taon.

“I still have to go through the process out here and make sure I give myself the best chance. But that’s my dream, to represent the Philippines and play,” pahayag ni Martin.

REMY MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with