EJ Laure goodbye na sa UST

MANILA, Philippines — Nagdesisyon si EJ Laure na tuluyan nang lisanin ang kampo ng University of Santo Tomas (UST) upang maglaro bilang professional player kasama ang Chery Tiggo.
Hindi na maglalaro si Laure sa kanyang final year kasama ang Tigresses sa nakatakdang pagbubukas ng UAAP season sa Marso.
Sa halip, sesentro na ang atensiyon nito sa pro league matapos kumpirmahin ng kanyang ama na si Eddie na magiging bahagi ito ng Crossovers sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na nakatakdang simulan sa Marso 16 sa isang bubble setup.
Gusto sana ni Laure na magkaroon ng engradeng exit ang kanyang collegiate career.
Sa katunayan, naglaro ito sa UST noong UAAP Season 82 na farewell season sana ng outside hitter.
Subalit hindi natuloy ang naturang season dahil sa pagputok ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
- Latest

















