^

PSN Palaro

Pinoy Spikers 0-2 na sa AVC tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaalat din ang men’s national volleyball team matapos lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan sa 2021 Asian Men’s Club Volleyball Championship na ginaganap sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Hindi nasundan ng Pinoy Spikers ang mainit na simula ito dahilan para yumuko ito sa Uzbekistan team na AGMK, 26-24, 23-25, 18-25, 19-25, kahapon.

Bumandera para sa Uzbekistan sina Bunyod at Bunyodbek na kumana ng tig 18 puntos habang nagtala naman si Azizbek ng 15 points sa labang tumagal ng dalawang oras.

Naglista pa si Sanjar ng 11 hits at si Mukhammadkobuljon ng siyam na puntos para suportahan ang kanilang katropa.

Nanguna sa atake ng Pinoy Spikers si University of Santo Tomas outside hitter Jao Umandal na nagpako ng 19 puntos habang nagtala naman si Nico Almendras ng 14 puntos at gumawa si Mark Alfafara ng pitong markers.

Bagama’t talo, mas maganda ang inilaro ng koponan sa pagkakataong ito kumpara sa kanilang unang laro kung saan umani ang tropa ng 15-25, 22-25, 5-25 demolisyon sa kamay ng Sirjan Foulad ng Iran.

Nahulog sa 0-2 ang Pinoy Spikers.

PINOY SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with