2-bronze naman kay Macrohon
MANILA, Philippines — Nagdagdag ng dalawang bronze medals si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kristel Macrohon sa kampanya ng Team Philippines sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Nagtala ang 24-anyos na si Macrohon ng 125 kilogram sa clean and jerk at total lift na 225kg sa wo-men’s 76 kilogram class na dinomina ni Zhang Wangli ng China.
Nabigo si Macrohon na makakuha ng medalya sa snatch sa kanyang binuhat na 99kg.
Inangkin naman ng Chinese lifter ang tatlong gold medals sa mga ipinoste nitong 115kg sa snatch, 148kg sa clean and jerk at total lift na 263kg.
Mayroon nang 11 medalya ang Team Philippines tampok ang dala-wang gold medals ni weightlifting prodigy Va-nessa Sarno sa women’s 71kg at tatlong silver me-dals ni Mary Flor Diaz sa women’s 45kg division.
Dalawang silvers at isang bronze medal naman ang nakuha ni Elreen Ando sa women’s 64kg category sa nasabing torneo na isa ring qualifying event para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Bagama’t tumapos sa ikaapat na puwesto lamang sa women’s 55kg class ang 30-anyos na si Hidilyn Diaz, pormal namang inangkin ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist ang tiket sa Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Ang nasabing torneo ay bahagi ng paghahanda ng mga national lifters para sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nob-yembre 21-Disyembre 2.
Dalawang gold, tatlong silver at dalawang bronze medals ang kinolekta ng Team Philippines noong 2019 SEA Games.
- Latest