^

PSN Palaro

National athletes komportable sa ‘Calambubble’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
National athletes komportable sa ‘Calambubble’
Jamie Lim
STAR/ File

MANILA, Philippines — Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.

“It’s great here po,” ani national karatedo team member Jamie Lim.

Nagsasanay ang nasabing tatlong national squads para sa mga lalahukang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Kasama ni Lim, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa ‘Calambubble’ sina national karatekas Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif.

Nakatakdang sumabak ang national karatedo team sa Olympic qualifying tournament sa Paris, France sa Hunyo 11-13.

Kagaya ng mga karatekas ay wala ring reklamo ang mga national boxers at taekwondo jins sa kanilang ‘bubble’ training.

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroong Olympic berth.

BUBBLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with