Motolite liliban muna sa PVL?
MANILA, Philippines — Mababawasan ang koponan sa Premier Volleyball League (PVL) dahil nakatakdang magsumite ng leave of absence ang Motolite Power Builders.
Ayon sa sources, nagdesisyon ang pamunuan ng Power Builders na lumiban sa season na ito dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Isa pa naman ang Motolite sa inaabangang koponan sa 2021 season dahil sa solidong lineup nito kabilang na si dating MVP Myla Pablo.
Gayunpaman, napaulat na tiniyak ng Motolite na makatatanggap pa rin ang mga players na naka-kontrata ng buwanang suweldo.
Maliban kay Pablo, nasa Power Builders din sina Iris Tolenada, Melissa Gohing, Isa Molde, Tots Carlos, Ayel Estranero, Chloe Cortez, Jellie Tempiatura, Jessma Ramos, Bern Flora, Fhen Emnas, Grazielle Bombita at Carmela Tunay.
Usap-usapan naman ang planong paglipat ni Carlos sa Creamline Cool Smashers kung saan hindi na nito gagamitin ang kanyang final year sa University of the Philippines sa pagbabalik-aksyon ng UAAP sa Setyembre.
Mawawala ang eligibility ni Carlos dahil isang professional team na ang Creamline sa PVL.
- Latest