^

PSN Palaro

Sports ibabalik sa tamang panahon - Mitra

Pilipino Star Ngayon
Sports ibabalik sa tamang panahon - Mitra
Abraham ‘Baham’ Mitra
Facebook

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagluluwag ng gobyerno sa mga protocols para sa pagharap sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ang unti-unting pagbangon ng professional sports.

Dahan-dahan na ring binubuksan ng Games and Amusement Board (GAB) ang pintuan para sa pangangailangan ng mga atletang Pinoy. Pinamunuan ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kasama sina Commissio­ners Eduard Trinidad at Mat Masanguid, ang konsultasyon at pakikipagpulong sa mga division heads.

“Kailangan ang mahigpit na pag-iingat,” ani Mitra. “While the government already imposed general community quarantine (GCQ) in Metro Manila, focus pa rin tayo sa safety and security ng ating mga kababayan, including our workforce, athletes, and stakeholders.”

Kagaya ng iba pang sector na nagsimula na ring magbalik sa gawain, handa na rin ang GAB na pag­lingkuran ang mga atleta sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

“So far, may request na kaming natatanggap para sa pagbabalik ng pro football, gayundin sa basketball at combat sports tulad ng boxing, muay thai at mixed martial arts,” ani Mitra.

Hiniling naman ng GAB sa mga pro boxers na manatiling mahinahon at ipagpatuloy ang pagsasanay para masigurong handa ang kanilang mga pa­ngangatawan at kaisipan.

Sa kasagsagan ng ECQ ay naki­pag-ugnayan ang GAB sa DSWD para maisama sa mabibigyan ng SAC ang mga boxers, trainers  at coach.

ABRAHAM MITRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with