^

PSN Palaro

PBA team owners patuloy na tutulong sa gobyerno

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA team owners patuloy na tutulong sa gobyerno
PBA Commissioner Willie Marcial
STAR/ File

Para sa paglaban sa COVID-19

MANILA, Philippines — Hangga’t may maitutulong ang Philippine Basketball Association ay ibibigay nila ito sa gobyerno at sa mga nangangailangan sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi na iniisip ng mga team owners ang malaking pagkalugi ng kanilang mga negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sa hirap nang pinagdadaanan ng lahat ay nakakaraos pa rin naman po ang PBA,” ani Marcial sa pulong na ipinatawag kamakalawa ni Sen. Sonny  Angara ukol sa mga paraan kung paano makakatulong ang gobyerno sa pribadong sektor na tinamaan ng health crisis.

Si Angara ang chairman ng Senate Committee on Finance.

“At ipinararating po ng aming chairman, Mr. Ricky Vargas, na kung may io-offer kayong tulong ay itulong na lang po natin sa mas nangangailangan,” dagdag pa ng PBA chief.

Nagbigay ng tulong sa gobyerno at sa mga nanga­ngailangan sina Ramon S. Ang (San Miguel Corporation), Manny V. Pangilinan (MVP Group of Companies), House Deputy Speaker Mikee Romero (NorthPort), Presidential Adviser on Sports Dennis Uy (Phoenix), Wilfred Uytengsu (Alaska), Raymond Sy at Terry Que (Rain or Shine), Dioceldo Sy (Blackwater) at Jose Alvarez (Columbian Dyip).

“Moving forward, we will determine what must be done to help them minimize their losses and preserve the jobs of their employees now that they will have to operate under a drastically different environment that we are calling the new normal,” ani Angara, dating tinamaan ng COVID-19.

Sinuspindi ng PBA ang 45th Season noong Marso 11 matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila bunga ng COVID-19 outbreak.

Sa Agosto ay magdedesisyon ang PBA Board kung itutuloy ang nadiskaril na season o tuluyan na itong kakanselahin.

Kumpiyansa naman si Marcial na maibabalik ang PBA season sa pagsunod sa itatakdang health guidelines at protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

WILLIE MARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with