^

PSN Palaro

‘Quarantine Cup’ ipinanukala ni Del Rosario sa PBA Board

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
‘Quarantine Cup’ ipinanukala ni Del Rosario sa PBA Board
Tim Cone
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kilala man siyang palabiro sa kanyang television programs ay hindi nagpapatawa si Barangay Ginebra lead assistant coach Richard Del Rosario sa panukala niya sa PBA Board of Governors.

Sa kanyang proposal ay isinusulong ni Del Rosario ang pagdaraos ng two-month tournament na “Quarantine Cup” na maaaring sumagip sa sinuspinding 45th season ng liga.

Sa nasabing “Quarantine Cup Proposal” ay kailangang sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng players, team officials at staff.

Ang mga magpopositibo ay ilalagay sa medical facility habang ang mga negatibo ay sasailalim sa quarantine sa loob ng 14 araw na gagamitin din para sa training camp.

Apat na laro sa isang araw ang idaraos sa dalawang venues.  Dahil hindi papayagang manood ang mga fans ay maaaring gawin ang mga laro sa maliliit na gyms kagaya ng Upper Deck Sports Center, Moro Lorenzo Sports Center at Ronac Arts Center, ayon sa assistant ni head coach Tim Cone.

Gagamitin sa “Quarantine Cup” ang tournament format ng PBA kung saan sasabak ang mga tropa sa single round robin elimination na maaaring matapos sa loob ng 17 araw. Ang top two teams ang kukuha ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals patungo sa semifinals at championship series.  

RICHARD DEL ROSARIO

TIM CONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with