^

PSN Palaro

Watanabe abot-kamay na ang olympic berth

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Watanabe abot-kamay na ang olympic berth
Kiyomi Watanabe

MANILA, Philippines— Madaragdagan na naman ng isang qualifier ang Pilipinas sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tok­yo, Japan sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ito ay sa oras na ma­deklara ng International Judo Federation (IJF) ang pormal na kwalipikasyon ni four-time Southeast Asian Games judoka Kiyomi Watanabe sa women’s -63 kg. class.

Ayon kay Philippine Judo Federation president Dave Carter, nagdesisyon ang international federation na paiksiin ang cut off ng qualification system para sa Tokyo Olympics.

Pipiliin ang mga qualifiers base sa ranking nito matapos ang Düsseldorf Grand Slam na ginanap noong Pebrero sa Germany.

At base sa bagong sistema, awtomatikong makakapasok sa Tokyo Olympics ang Filipino-Ja­panese judo sa pamamagitan ng continental quota.

Sa opisyal na website ng IJF, pasok na si Watanabe via continental quota dahil sa kanyang No. 36  na ranking tangan ang 1,254 puntos.

Ngunit kung mabibig­yan ng direktang qualification slot si Watanabe base sa final ranking matapos i-apply ang bagong sistema, malakas ang tsansa na magkaroon pa ng ibang Pinoy judoka na makapasok sa Olympics via continental quota.

Isa na rito si 2019 Southeast Asian Games bronze medalist Filipino-Japanese Keisei Nakano na kasalukuyang No. 78 sa world ranking bitbit ang 427 puntos sa men’s -73 division.

Nagtamo ng injury ang 2018 Asian Games silver medalist na si Watanabe sa laban nito sa Japan noong Pebrero at kasalukuyang nasa Tokyo, Japan para magpagaling para sa Olympics.

Kung makukumpirma si Watanabe, ito ang ikalimang atletang Pinoy na masisilayan sa aksiyon sa Olympics.

Makakasama nito sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics  at sina three-time SEA Games champion Eumir Felix Marcial at SEA Games silver medalist Irish Magno ng boxing.

Hinihintay na lang din ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas ang kumpirmas­yon ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz para maging opisyal na qualifier sa Tokyo Games.

INTERNATIONAL JUDO FEDERATION

KIYOMI WATANABE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with