^

PSN Palaro

Obiena malapit na sa Asian Games gold mark

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena malapit na sa Asian Games gold mark
EJ Obiena
HTTPS://WWW.FACEBOOK.COM/ EJOBIENA

MANILA, Philippines — Desidido si EJ Obiena maipagtanggol ang kanyang korona sa 2026 Asian Games pole vault event sa Set­yembre na gaganapin sa Nagoya, Japan.

Malapit na si EJ Obiena sa wining mark nito sa Asian Games kung saan naitala na nito ang 5.85 metro nang magwagi ito ng pilak sa katatapos na Meeting Madrid 2026 World Athletics Continental Tour na ginanap sa Madrid, Spain.

Dikit na ito sa 5.90m na nakuha ni Obiena nang sumikwat ito ng gintong medalya noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang 5.90m metro din ang kasalukuyang Asian Games record.

Kaya naman hindi malayo na madepensahan ni Obiena ang kanyang korona sa Asian Games para tulungan ang kampanya ng Team Philippines.

Isa si Obiena sa inaasahan na magbibigay ng gintong medalya sa Asian Games.

Makakasama nito sa ratsada sina Paris Olympic double gold medalist Carlos Edriel Yulo at tennis star Alex Eala.

Matatandaang hindi nagpartisipa si Yulo noong 2023 Asian Games dahil naghahanda ito para sa Paris Olympics.

Kaya naman desidido si Yulo na makabawi sa pag­kakataong ito upang makapag-ambag sa Team Philippines.

Sa kabilang banda, kumpirmado na rin ang paglahok ni Eala sa tennis competition ng Asian Games.

Pakay din ni Eala na masikwat ang gintong medalya sa women’s singles lalo pa’t isa ito sa mga paboritong magkampeon sa Asian Games.

Dedepensahan din ng Gilas Pilipinas ang korona nito sa men’s basketball event.

Sa kabuuan, may apat na gintong medalya ang Pilipinas noong Hangzhou Asian Games.

Bukod kina Obiena at Gilas Pilipinas, wagi rin ng ginto sina ju-jitsu bets Meggie Ochoa at Annie Ramirez.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with