^

PSN Palaro

Warriors durog sa Clippers

Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO -- Da­hil sa laki ng kanilang ka­lamangan ay ipinahinga ni coach Doc Rivers si star forward Kawhi Leonard sa kabuuan ng fourth quarter.

Umiskor si Leonard ng 23 points para pamunuan ang Los Angeles Clippers sa 131-107 paglampaso sa Golden State Warriors.

Nag-ambag sina Paul George at Patrick Beverley ng tig-15 points para sa Clippers, may pitong pla­yers na tumapos ng double figures.

Nagdagdag si Reggie Jackson ng 16 points at hu­makot si JaMychal Green ng 13 points at 10 rebounds.

“You never know when a game’s going to be one-si­ded,” sabi ni Rivers. “I just like that we came out with the right approach, a business approach. We didn’t have ball movement the last game and that hasn’t been us. You could see the tone was set early just by the ball movement.”

Nagposte ang Clippers ng 28-point lead sa first half at ibinaon ang Warriors sa 84-50 sa kaagahan ng third period mula sa back-to-back triples ni Beverley.

Dinuplika ni Dragan Bender ang kanyang career-high na 23 points para sa Golden State habang may 21 at 10 markers sina An­drew Wiggins at Marquese Chriss, ayon sa pag­kakasunod.

Sa Los Angeles, kumamada si Spencer Dinwiddie ng 23 points kasama ang kanyang tiebreaking jum­per sa huling 28.3 segundo para akayin ang Brooklyn Nets sa 104-102 pagtakas sa Lakers.

Naimintis ni Anthony Da­vis ang kanyang wide-open 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer na tumapos sa four-game winning streak ng Los Angeles.

Kumayod si LeBron James ng 29 points, 12 re­bounds at 9 assists para sa Lakers  habang may 26 mar­kers si Davis.

vuukle comment

AWHI LEONARD

DOC RIVERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with