^

PSN Palaro

Marcial, Petecio susuntok ng Olympic slots

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalabas na nina Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio ang lahat ng alas nito para makahirit ng Olympic slots sa pagharap sa ka­ni-kanilang quarterfinal matches ngayong araw sa 2020 Asian-Oceanian Continental Olympic Qualifying Tournament na ginaganap sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan.

Susuntok ang three-time Southeast Asian Games gold medalist na si Marcial laban kay Otgonbaatar Byamba-Erdene ng Mongolia sa men’s middleweight class habang aariba naman ang AIBA Women’s World Championships gold medalist na si Petecio kontra kay Japanese Sena Irie sa women’s featherweight.

Parehong nagtala ng buenamanong panalo sina Marcial at Petecio para ma­kalapit sa inaasam na puwesto sa Olympic Games na idaraos sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Nakasiguro ng opening-round bye ang AIBA Men’s World Championships silver medalist na si Marcial bago iselyo ang impresibong 5-0 unanimous decision win la­ban kay Kirra Ruston ng Australia sa second round.

Matikas din ang umpisa ni Petecio na kinubra ang 5-0 unanimous decision win laban kay Krismi Lankapurayalage ng Sri Lanka sa second round.

Tulad ni Marcial, nabi­ya­yaan din si Petecio ng first-round bye.

“Ibibigay ko na talaga ang lahat dahil ito na yung best chance ko para ma­ging Olympian. Matagal din akong naghanda para rito kaya sobrang focused talaga ako,” pahayag ni Pe­tecio.

FELIX MARCIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with