^

PSN Palaro

Bucks sinunog uli ng Heat

Pilipino Star Ngayon
Bucks sinunog uli ng Heat
Umiskor sina Jae Crowder at Jimmy Butler ng tig-18 points habang may 15 markers si Goran Dragic para igiya ang Mia­mi sa 105-89 paggupo sa Milwaukee.
STAR/ File

MIAMI -- Ang Heat ang tanging tumalo sa na­ngu­ngunang Milwaukee Bucks ng dalawang beses nga­yong season.

Umiskor sina Jae Crowder at Jimmy Butler ng tig-18 points habang may 15 markers si Goran Dragic para igiya ang Mia­mi sa 105-89 paggupo sa Milwaukee.

May 2-0 record ngayon ang Heat laban sa NBA best team.

Humakot si Bam Adebayo ng 14 points at 12 rebounds para sa Heat na pinaganda ang kanilang baraha sa 39-22 at dinuplika ang kanilang win total sa nakaraang season

Pinangunahan ni Brook Lopez ang Bucks (52-9) sa kanyang 21 points at nalimitahan si Giannis Antetokounmpo sa season-low na 13 points.

Sa Chicago, tumipa si Coby White ng 19 points, habang may 18 markers si Otto Porter Jr. sa kanyang pagbabalik mula sa broken left foot para tulungan ang Bulls sa 109-107 paglusot sa Dallas Mavericks.

Nag-ambag si Denzel Valentine ng season-high 17 points para sa ikalawang panalo ng Chicago sa huli nilang 12 games bagama’t hindi naglaro si leading scorer Zach LaVine bunga ng strained left quadriceps.

Sa San Antonio, nagpa­kawala si Malcolm Brogdon ng 26 points at nagdagdag si T.J. Warren ng 23 mar­kers para akayin ang Indiana Pacers sa 116-111 paggupo sa Spurs.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Indiana para tumabla sa fifth-place kasama ang Philadelphia sa Eastern Conference.

vuukle comment

JAE CROWDER

JIMMY BUTLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with