^

PSN Palaro

Blazers sososyo sa unahan vs Stags

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Blazers sososyo sa unahan vs Stags
Isa si Ton Ton Peralta (21) sa aasahan ni Perpetual Help coach Frankie Lim para makabangon ang Altas sa tatlong sunod na talo sa pagharap sa Arellanon .

MANILA, Philippines — Hangad ng  St. Benilde Blazers na muling umangat sa sosyohan sa liderato sa pagharap kontra sa parehong title contender na San Sebastian Stags ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang malinis na 3-0 kartada, haharapin ng  Blazers ang Stags sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Perpetual Help Altas at Arellano Chiefs sa alas-2 ng hapon.

Target din ng Letran Knights ang ika-limang panalo sa pakikipagtuos kontra sa wala pang panalong Mapua Cardinals sa alas-12 ng tanghali.

Sinorpresa ng Bla­zers ang lahat matapos rumatsada ng tatlong sunod na panalo at manatiling ikalawang koponan bukod sa three-peat champion San Beda Red Lions na wala pang talo sa apat na laro.

Tinalo ng tropa ni coach TY Tang ang EAC Gene­rals, 69-66 noong Hulyo 9 at sinundan ng 75-63 panalo sa Perpetual Help Altas noong Hulyo 16.

Kung magwawagi ang Blazers, muli silang aangat sa top spot kasama ang Red Lions na ngayon ay hawak na ang 4-0 slate.

Sa junior’s division, asam ng Arellano Braves ang pang-apat na panalo kontra sa Perpetual Junior Altas sa alas-10 ng umaga pagkatapos ng laban ng Letran Squires at Mapua Red Robins sa alas-8. Sa huling laro, maglalaban ang CSB-LSGH Greenies at San Sebastian Staglets sa alas-6 ng gabi.

SAN SEBASTIAN STAGS

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

ST. BENILDE BLAZERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with