^

PSN Palaro

Bautista, Petecio susuntok sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng national boxing team ang umusad sa semifinals matapos magtala ng magkaibang panalo sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Unang nakahirit ng puwesto sa semis si Ian Clark Bautista nang mailusot nito ang 3-2 split decision win laban kay Kharkhuu Enkh-Amar ng Mongolia sa quarterfinals ng men’s bantamweight (56 kg.) division.

Pumanig kay Bautista ang Thai, North Korean at Latvian judges na pare-parehong may 29-27 na ibinigay na puntos habang nakuha ng Mongolian bet ang boto ng mga hurado mula sa Romania (29-27) at  Australia (30-26).

Mapapalaban si Bautista sa semis dahil makakasagupa nito si Butdee Chatchai-Decha ng host Thailand na nagsumite ng 4-1 panalo laban kay Chen Zhihao ng China sa hiwalay na quarterfinal bout.

Patuloy naman ang matikas na ratsada ni  2014 World Championships silver medallist Nesthy Petecio na nagsumite ng 5-0 unanimous decision win laban kay Won Un Gyong ng North Korea sa women’s featherweight (57 kg.).

Daraan sa matinding pagsubok si Petecio sa semis sa pagharap nito kay 2015 Asian Championships gold medallist Peamwilai Laopeam ng Thailand na nagrehistro ng 5-0 unanimous decision win kay Jenifer Fernandez Romero ng Spain.

2019 THAILAND OPEN INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with