^

PSN Palaro

Cebu tinakasan ang Manila sa OT

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakita ng katatagan ang Cebu City Sharks sa overtime period para sa sorpresang 91-86 come-from-behind panalo laban sa paboritong Manila Stars sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Sabado ng gabi sa San Andres Gym sa San Andres, Manila.

Umarangkada ang tubong-Cebu na si Patrick Cabahug ng 27 puntos na may kasamang pitong rebounds at  tatlong assists  upang umangat sa four-way tie mula sa pang-apat hanggang pang-pitong puwesto sa Southern Division kasama ang Davao Tigers, Gensan Warriors at Bacoor Strikers sa parehong 2-1 win-loss kartada.

Dahil sa talo, bumababa ang  Manila Stars  sa three-way tie mula sa ikatlo hanggang sa pang-limang puwesto sa Northern Division kasama ang Pasay Voyagers at Bulacan Kuyas sa parehong 2-1 card.

Samantala, sa iba pang laro, nagwagi ang Rizal Crusaders laban sa Muntinlupa Cagers, 70-66 at nilampaso naman ng Biñan City, Laguna ang baguhang Nueva Ecija, 98-90.

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

CEBU CITY SHARKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with