Mga batang jins puspusan na ang training para mapasama sa nat’l team
MANILA, Philippines — Puspusan ang ensayo ng mga batang taekwondo jins para sa hangaring mapasali sa national team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ang mga batang taekwondo jins na mga miyembro ng Kasilawan Taekwondo Club sa Makati ay mga medalists sa iba’t ibang kumpetisyon sa local at overseas tournament at asam nilang makapaglaro sa SEA Games na gaganapin sa bansa sa ikaapat na pagkakataon.
Ayon kay coach Gani Domingo, malaki ang kanyang tiwala kina Kristiana Catalina Tiu na gold medalists sa Asian Taekwondo Federation, Carlos Palanca Jr. tournament at Tatiana Batalla, gold medalist sa Smart New Face.
Bukod sa kanila, malaki rin ang pag-asa ni Aldrich Vincent Paul Merin na gold medalist din sa CPJ at sa Batang Pinoy, Charles Benjamin Gavan at Victor Rodriguez na mga gold medalists sa NCR meet.
Ang mga sinasabing taekwondo jins ay nakakuha na rin ng scholarship sa Ateneo de Manila University sa Katipunan at ang iba ay sa De La Salle University-Manila para sumabak sa parating na 82nd Season ng UAAP at 95th season ng NCAA.
- Latest