Clippers sinibak ng 50-points ni KD

LOS ANGELES — Nagtala si Kevin Durant ng 38 puntos sa first half upang pantayan ang pinaka-mataas na marka sa NBA playoff tungo sa pag-angat sa Golden State Warriors sa 129-110 panalo sa bisitang Los Angeles Clippers sa Game 6 ng kanilang Western Conference first round match-up.
Umiskor si Durant ng kanyang playoff career-high 50 puntos para tapusin na ang pag-asa ng Clippers.
Higit sa lahat tumabla siya sa first half record ni Charles Barkley na 38 puntos mahigit 25 taon na ang nakaraan ng ito ay naglalaro pa sa Phoenix Suns.
Lalabanan ng Warriors ang Houston Rockets sa second round ng playoff na magsisimula sa Linggo sa Oakland.
Ang Rockets ay dumating na sa Bay Area para sa maagang preparasyon.
Umani rin ng 16 puntos, 14 rebounds at 10 assists si Draymond Green habang si Stephen Curry ay umiskor ng 24 puntos at 15 naman mula kay Andre Iguodala para sa Warriors na nakopo ang kanilang ikatlong road playoff games sa parehong serye sa unang pagkakataon sa kanilang franchise history.
Pinangunahan ni Danilo Gallinari ang Clippers sa kanyang 29 puntos at 22 naman kay Shai Gilgeous-Alexander. Si Patrick Beverley ay tumapos ng 11 puntos, 14 rebounds at pitong assists para sa Los Angeles.
- Latest
























