^

PSN Palaro

Lady Eagles puro na sa semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles puro na sa semis
Nasalag nina Lorie Lyn Bernardo at Marian Alisa Buitre ng UP ang kill ni Judith Abil ng UE.
Joven Cagande

Laro sa Sabado(Smart Araneta Coliseum)

8 a.m. ADU vs UST (M)

10 a.m. ADMU vs UP (M)

2 p.m. UST vs UE (W)

4 p.m. UP vs FEU (W)

MANILA, Philippines — Pinalawak ng solo lea­der Ateneo ang winning streak sa si­yam matapos muling pataubin ang Far Eastern University sa straight-sets lamang, 25-21, 25-10, 25-18  kahapon para lumapit sa Final Four sa Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Humataw ang setter na si Deanna Wong ng 30 excellent sets at apat na puntos para sa Lady E­agles na pinadapa ang Lady Tamaraws sa ikalawang pagkakataon sa season na ito makaraan ang 3-2 panalo sa first round ng elimination noong Pebrero 24.

Hangad ng tropa ni coach Oliver Almadro na makakuha ng playoff sa huling Final Four berth sa pagharap sa NU Lady Bulldogs sa Linggo.

Sa kanilang matikas na performance, tinapos ng Katipunan-based team ang laro sa mahigit 74 minuto lamang para umangat sa 9-1 win-loss kartada. 

Nagawa ng Lady Tamaraws na dumikit sa opening set,  ngunit agad umarangkada ang Lady Eagles ng 8-2 bentahe sa ikalawang set na lumobo sa 14-2 sa atake ni Bea De Leon.

 Mula rito, nakuha na ng Ateneo ang kanilang rhythm at kompletong nakontrol ang ikalawang set na nata­pos sa mahigit 20 minuto lamang.

Sa iba pang laro, naka-eskapo ang University of the Philippines Lady Maroons laban sa University of the East Lady Warriors, 25-23, 20-25, 25-23, 24-26, 15-11 para makopo ang pang-anim na panalo at umangat sa three-way tie sa ikatlong puwesto kasama ang FEU Lady Tamaraws at UST Tigresses sa parehong 6-4 win-loss kartada.

Samantala, sa  men’s di­­vision, sinorpresa ng A­damson Soaring Falcons ang FEU Tamaraws, 25-14, 22-25, 25-23, 16-25, 17-15 upang mapabuti  sa 6-4 slate habang pinataob naman ng UST Growling Tigers ang UP Fighting Maroons, 25-17, 18-25, 25-20, 25-15.

SEASON 81 UAAP VOLLEYBALL TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with